Pinoys sa Saudi pinag-iingat vs cyclone
MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine Consulate General sa Jeddah ang mga Filipino workers sa Saudi Arabia dahil sa nakaambang pag-landfall ng malakas na bagyo roon.
Ayon kay Consul General Edgar Badajos, pinayuhan nito ang Filipino community partikular sa Najran area na paghandaan ang tropical cyclone Mekunu na magdudulot ng malawakang pagbaha.
“The Saudi General Authority of Meteorology and Environment Protection (GAMEP) has predicted heavy rains in some parts of the Kingdom from tonight until Tuesday,” ani Badajos.
Inaasahan din umano ng GAMEP ang malakas na hangin sa Tabuk, Madinah, Makkah, Sharqiyah, at sa kabisera na Riyadh.
Tinatayang 8,000 OFWs ang nasa lungsod ng Najran, 15,000 sa Johann, habang 13,000 sa Khamis Mushayt.
- Latest