“Sa posibilidad na uuwi para makasama ko si Presidente Duterte na gabayan ang peace negotiations at mapabilis ang takbo ng peace negotiations, kailangan may sufficient na pagsulong ng peace negotiations, may malakas na batayan at hindi madaling ma-upset ng peace spoilers,” paliwanag kahapon ni Sison sa isang panayam ng radyo.
Michael Varcas
Joma uuwi sa ‘Pinas
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2018 - 12:00am

Kung walang balakid sa peace negotiation

MANILA, Philippines — Nakahandang umuwi sa bansa si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison at tapusin na ang kanyang exile kung masisiguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang magiging balakid sa peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at revolutionary movement.

“Sa posibilidad na uuwi para makasama ko si Presidente Duterte na gabayan ang peace negotiations at mapabilis ang takbo ng peace negotiations, kailangan may sufficient na pagsulong ng peace negotiations, may malakas na batayan at hindi madaling ma-upset ng peace spoilers,” paliwanag kahapon ni Sison sa isang panayam ng radyo.

“Kung uuwi ako na wa­lang katiyakan at ma­gandang circumstance para sa peace negotiations, baka masingitan ng peace spoilers,” wika pa ni Sison, na tumatayong chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines.

Aniya, magiging kampante lamang siya kapag nakabuo na ang NDF at GRP ng ceasefire agreement, amnesty at pagpapalaya sa mga political prisoners at naresolba na ang dalawang mahalagang isyu sa agrarian reform at rural development sa ilalim sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).

Naniniwala rin si Sison na mareresolba ang mga isyu at mabubuo ang kasunduan ng GRP at NDF panels sa loob ng itinakdang 60-araw ni Pangulong Duterte.

Magugunita na noong Sabado ay mismong si Duterte ang nag-imbita kay Sison na umuwi ng bansa upang direktang maupo sa peace negotiating table.

“Proposal ko kay Sison, hindi ako magpunta doon. Ang pinag-awayan natin ang Pilipinas. Pumunta ka dito. Ako magbigay ng pamasahe, I will pay for all your billeting and pagkain,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Siniguro pa ng Pa­ngulo sa itinakdang 60-day window ay walang dapat ipag-alala ang mga communist rebels na sila ay huhulihin o gigipitin pero dapat ibaba muna nila ang kanilang mga armas.

JOSE MARIA SISON REVOLUTIONARY MOVEMENT RODRIGO DUTERTE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with