Nancy kinuwestyon ang pagpayag ng PAGCOR sa casino operator sa Boracay

MANILA, Philippines – Kontra si Sen. Nancy Binay sa pagpapatayo ng hotel-casino sa isla ng Boracay lalo na’t nakatakdang ayusin ang isla.

Sinabi ni Binay na hindi na dapat binigyan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ng provisional license to operate ang Leisure and Resorts World Corp. at foreign partner nitong Galaxy Entertainment Group.

"It would have been prudent if they deferred muna. Kasi nirerehabilitate natin ang Boracay and isa sa mga tinatanong ko is what is the carrying capacity of the island?" sabi ni Binay.

"Tapos in spite of the pressing problems in Boracay, may maririnig ka na may idadagdag nanaman tayo na facility na baka hindi kaya ng isla," dagdag niya.

Iginiit ni Binay na dapat munang itigil ang pagtatayo ng mga establisyamento o gusali sa isla.

"A one year total closure may not be the best solution for the island and its locals. So ang posisyon ko is instead of closure moratorium muna tayo on new constructions," patuloy ng senadora.

Bukod sa Galaxy, balak din ng DoubleDragon Properties Corp. na magtayo ng pinakamalaking hotel sa bansa na may nasa 1,000 kwarto.

 

Show comments