Pamilya Demafelis binigyanni Pacquiao ng pantubos ng lupa
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinupad na ni Sen. Manny Pacquiao ang pangako sa pamilya ng namatay na OFW na si Joanna Demafelis na bibigyan ng perang pangtubos sa kanilang isinanlang lupa.

Personal na nagtungo sa tanggapan ni Pacquiao ang mga magulang ni Joanna na sina Crisanto at Eva Demafelis kung saan tinanggap nila ang tseke na nagkakahalaga ng P380,000.

Tatlong ektaryang taniman ng palay sa Iloilo ang isinanla ng pamilya Demafelis na ginamit para makapunta sa Kuwait si Joanna.

Matatandaan na nakita ang katawan ni Joanna sa loob ng isang freezer sa isang abandonadong apartment sa Al Shaab district sa Kuwait noong Pebrero 9.

Halos isang taon bago natagpuan ang katawan ng OFW matapos siyang ideklarang nawawala.

Sinamahan sa Senado ang pamilya ni Demafelis ng administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Hans Leo Cacdac.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with