^

Bansa

50-K pamilya sa Quezon City, tatanggap ng libreng Philhealth

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 50,000 na pamilya ang makikinabang sa ipinamamahaging certificates ng Community Outreach Division (COD) ng Quezon City Social Services Development Department (SSDD) para sa libreng Philhealth coverage ngayong taon.

Ang mga benepisyaryo nito ay kinabibilangan ng mga buntis, solo parents, persons with disabilities, magulang ng mga kabataang nabiktima ng karahasan, tricycle drivers at city hall contractuals na may mababa pa sa P 10,000 ang buwanang sahod.

Ayon kay COD acting chief Eileen Velasco, nagsimulang ipamigay ang libreng Philhealth noong panahon ni da­ting Mayor Sonny Belmonte at itinuloy lamang ni Mayor Herbert Bautista.

“Fully subsidized na sila, ibig sabihin no balance billing. Meron kaming mga pinamimigay na mga certificates sa mga taga-Quezon City na puwede nilang ipakita sa mga pampublikong ospital,” ani Velasco.

Ang pamahalaang lungsod ay naglaan ng P120-M para sa implementasyon nito ngayong 2018.

Pinapayuhan ng SSDD na magtungo lamang sa kanilang tanggapan ang mga benepisyaryo ng proyekto para makuha ang kanilang Philhealth certificates.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with