^

Bansa

Leni sinorpresa ang mga batang pasyente

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
Leni sinorpresa ang mga batang pasyente

Maagang pamasko ang inihatid ni Vice Pres. Leni Robredo nang sorpresang binisita ang mga batang pasyente ng Quirino Memorial Medical Center.

MANILA, Philippines — Bumisita si Vice President Leni Robredo sa mga batang pasyente ng Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City kahapon, para sa isang maagang pagdiriwang ng Pasko.

Kasama ni Robredo na dumalaw sa Pediatrics ward ng nasabing ospital ang anak na si Tricia, isang medicine student at executive director ng Jesse M. Robredo Foundation (JMRF).

Sa pagbisitang ito, nakasalamuha ng Pangalawang Pangulo at ng kaniyang anak ang mga batang kasalukuyang ginagamot para sa dengue, pneumonia, abscess, heart diseases, at tuberculosis, at pati na rin ang mga pamilyang nag-aalaga sa kanila.

Ang JMRF ang nag-ayos ng simpleng pamaskong handog na ito, sa pakikipagtulungan ng Kythe Foundation, isang organisasyong tumutulong sa mga batang may cancer at iba pang chronic illnesses.

Kabilang sa mga regalong natanggap ng mga bata ang towels, mga librong pambata, pagkain, at mga laruan, na siyang mga donasyon ng ilang partner-organizations.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with