Martial Law kailangan pa sa Mindanao

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Major Gen. Restituto Padilla, na kahit napatay na ang mga lider na sina Isnilon Hapilon, Omar Maute at Malaysian ISIS Dr. Mahmud Ahmad ay dapat pa rin umiral ang batas militar hanggang katapusan ng taon upang magawa lahat ng kinakailangan at matugunan ang lahat ng natitira pang network ng mga teroristang grupo. Presidential Photo/File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkakapatay sa lider ng te­roristang Maute/ISIS, kailangan pa rin manatili ang Martial Law sa Mindanao hanggang sa matapos ang taon.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Major Gen. Restituto Padilla, na kahit napatay na ang mga lider na sina Isnilon Hapilon, Omar Maute at Malaysian ISIS Dr. Mahmud Ahmad ay dapat pa rin umiral ang batas militar hanggang katapusan ng taon upang magawa lahat ng kinakailangan at matugunan ang lahat ng natitira pang network ng mga teroristang grupo.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya aalisin ang martial law sa Mindanao hanggang hind nauubos lahat ng mga teroristang grupo sa buong rehiyon.

Idineklara ng Pangulo ang martial law noong Mayo 23 matapos lusubin ng Maute-ISIS ang Marawi City.

Idineklara naman ng Pangulo na malaya na ang Marawi mula sa tero­ristang Maute noong Oktubre 16 matapos mapatay ng tropa ng militar ang lider na sina Hapilon at Omar Maute.

Show comments