^

Bansa

Aguirre pangungunahan ang imbestigasyon sa Carl Arnaiz slay

Pilipino Star Ngayon
Aguirre pangungunahan ang imbestigasyon sa Carl Arnaiz slay

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Vitaliano Aguiree II na pangunahan ang imbestigasyon sa pagkamatay ng 19-anyos na si Carl Arnaiz sa kamay ng mga pulis ng Caloocan City.

“Ang sinabi ko naman, we will protect soldiers and policemen — no doubt about it — but always there should always be the element of performance of duty and you do not kill defenseless persons," wika ni Duterte sa anibersaryo ng the Social Security System.

"I'm sorry, but I will pursue the case against policemen and, if need be, they will go to jail," dagdag ng pangulo taliwas sa nauna niyang mga pahayag na bibigyan ng pardon ang mga pulis na makakasuhan sa kasagsagan ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Nilinaw naman niya na hindi kasama sa poprotektahan niya ang mga abusadong pulis.

Ayon sa mga pulis ng Caloocan City, napatay nila sa engkwentro si Arnaiz matapos niyang holdapin ang isang taxi driver noong Agosto 18.

Kabaligtaran naman ang lumabas sa autopsy report na nagsasabing posibleng nakahiga ang biktima nang pagbabarilin.

Nakakitaan din ng bugbog at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Arnaiz.

"Wala akong inutos na patayin mo ang bata. And even the enemy on bended knees. It's not the norm or rule of democracy," wika ni Duterte. "I would never, never condone or allow it.”

Samantala, patay na nang matagpuan ang kasamahan ni Arnaiz na si Reynaldo de Guzman.

May 30 tama ng saksak ang 14-anyos na si de Guzman na nakabalot pa ng packaging tape ang buong ulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with