^

Bansa

Prove it and I will resign - Digong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Prove it and I will resign - Digong

Sa kanyang talumpati sa inauguration ng Solar Philippines Factory sa First Industrial Park sa Sto. Tomas, Batangas, muling binanggit ng Pangulo ang kanyang pangako na wawakasan ang korupsiyon at ang isyung ibinabato sa kanyang anak. File

MANILA, Philippines - Muling hinamon kahapon ni Pangulong Duterte ang mga nag-aakusa na sangkot ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte o sinumang miyembro ng kanyang pamilya sa korupsiyon na siya ay magbibitiw sa puwesto.

Sa kanyang talumpati sa inauguration ng Solar Philippines Factory sa First Industrial Park sa Sto. Tomas, Batangas, muling binanggit ng Pangulo ang kanyang pangako na wawakasan ang korupsiyon at ang isyung ibinabato sa kanyang anak.

Paliwanag ni Duterte na ang kanyang anak ay nagtanan sa edad na 18 taong gulang ng isang Moro lady na ang mga magulang ay mga Muslim vendors.

Ang negosyo umano ng pamilya ng kanyang manugang ay mga jars at ukay-ukay.

“Yun ‘yung mga vendors sa Davao --- jars, ukay-ukay. Eh napasali siya diyan sa pamilya ng asawa niya ang negosyo…My son eloped with my daughter-in-law when he was only 18. Nawala sa buhay namin ‘yang bata na ‘yan. At sumama diyan sa --- kasi may lola naman ‘yan eh Moro eh. So he was lost to us. Kaya makikita mo ‘yan sa pantalan. Eh kung magtanong lang kayo nasa pantalan, palaging nasa pantalan ‘yan, tumutulong sa in-laws niya. Eh walang hanapbuhay eh. And he has to earn his keep and he had to work for the family,” sabi ni Duterte.

Hinamon pa ni Duterte ang mga kritiko na patunayan na ang mga jars at ang mga ukay-ukay ng mga in-laws ng kanyang anak ay smuggling at magbibitiw siya sa puwesto.

“Pero kung ‘yung mga ‘yung mga jars, ukay- ukay, ‘yung pinapalusot ng in-laws niya, if that is smuggling, then give me an accounting and I will resign. Walang problema ‘yan sa akin,” ani Duterte.

Nilinaw rin ni Duterte na hindi niya ipinagta­tangol ang anak.

“This is a nationwide broadcast so I might as well tell you. I am not defending my son. Prove it, it is true, and I will resign. Sabi ko nga, anyone involved in my family, nasa corruption, bababa ako pagka-Presidente. No excuses, no apologies. Pero ‘yun totoo lang,” sabi ni Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with