PANOORIN: Digong nagbiro na marami siyang ninakaw

"I hate corruption. Hindi ako magmamalinis, marami rin akong nanakaw pero naubos na, so wala na," wika ni Pangulong Rodrigo Duterte. AP/Eugene Hoshiko, File

MANILA, Philippines – Muling humirit ng biro si Pangulong Rodrigo Duterte habang inihahayag ang kaniyang kampanya laban sa katiwalian sa gobyerno.

Sa ika-140 anibersaryo ng Philippine Chinese Charitable Association Inc., nabanggit ni Duterte ang patuloy na panlalamang ng mga kawani ng gobyerno. Aniya gagawin niya ang lahat upang malinis ang bansa sa katiwalian.

“I hate corruption. Hindi ako magmamalinis, marami rin akong nanakaw pero naubos na, so wala na,” pahayag ng pangulo na tinugunan ng tawanan ng mga dumalo sa Fiesta Pavilion, Manila Hotel kahapon.

Sinabi rin ni Duterte na may patatalsikin siyang opisyal sa Clark Air Base dahil sa anomalya. Hindi naman niya ito pinangalanan.


Duterte says he committed corruption in the past by philstarnews

Show comments