^

Bansa

5-year driver’s license tinatrabaho na sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tinatrabaho na ng Kamara ang panukalang magsasabatas ng limang taong validity ng driver’s license ng nagmamaneho ng iba’t ibang uri ng sasakyan.

Ito ay matapos bumuo ng House Committee on Transportation ng Technical Working Group para i-consolidate ang pitong panukala na nagpapalawig ng validity ng drivers license mula tatlong taon lamang.

Ipinatutupad na ng Land Transportation Office (LTO) ang 5-year validity ng driver’s license mula nang iutos ito ni Pangulong Duterte subalit nais ng mga kongresista na maging batas na ito.

Ayon kay House Committee on Transportation Chairman Cesar Sarmiento, na makakatulong ito para mabawasan ang transaksyon sa gobyerno at ang pabigat sa mga motorista gayundin ay mabawasan ang problema sa kakulangan ng plastic cards.

Samantala, iniulat naman ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante sa Kamara na malaki pa rin ang backlog ng kanilang ahensiya sa pag-iisyu ng plastic card ng driver’s license.

Subalit inaasahan umano nila na matatapos na ang nasabing problema sa buwan ng Agosto.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with