Dumlao inaresto muli sa Jee slay
MANILA, Philippines - Inaresto muli ng PNP-Anti-Kidnapping Group si Supt. Rafael Dumlao na isa sa mga pangunahing suspek sa kontrobersyal na pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Korean na si Jee Ick Joo.
Sinabi ni PNP-AKG Director P/Sr. Supt. Glenn Dumlao, isinilbi nila ang panibagong warrant of arrest laban kay Dumlao habang ito ay nasa loob ng Camp Crame na isinailalim sa restrictive custody.
Ito’y matapos ilabas na ng korte ang warrant of arrest laban kay Dumlao na isinama ng Department of Justice ang pangalan sa kanilang mga kinasuhan kaugnay ng muling pag-iimbestiga sa kaso ng pagpatay kay Ick Joo.
Si Dumlao ay nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa Korean trader na pinatay sa loob ng Camp Crame.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa mga nabanggit na kaso.
Patungo ngayon sa Pampanga ang mga kinatawan ng PNP-AKG upang iprisinta si Dumlao sa Angeles Regional Trial Court (RTC) Branch 38 kaugnay ng ‘return of warrant‘ at kung may commitment order ang korte ay saka ito ipipiit sa Pampanga Provincial Jail.
- Latest