^

Bansa

Tren ng PNR 2 beses tumirik!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang tren ng Philippine National Railways (PNR) ang tumirik at tuluyan nang hindi pinabiyahe matapos na dalawang beses na masiraan ng preno, kahapon ng umaga.

Sa abiso ng PNR, nabatid na unang nagka-aberya ang tren sa bahagi ng Abad Santos-Antipolo crossing pasado ala-6:00 ng umaga.

Tumagal din ng 15-minuto ang pagkakahinto ng tren kaya naharangan nito ang mga papatawid na sasakyan sa nasabing lugar at nagdulot pa ng abala sa daloy ng trapiko.

Dakong alas-7:07 naman ng umaga nang maganap ang ikalawang insidente nang pagtirik nito sa bahagi naman ng Magsaysay crossing bago dumating Sta. Mesa station.

Ayon sa PNR, nagkaproblema ang preno ng tren na ang biyahe ay Tutuban – Alabang kaya’t dito na sila nagpasya na tuluyan nang pababain ang mga pasahero ng tren sa Sta. Mesa Station at huwag nang ituloy ang biyahe nito para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga commuters.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with