Child rapists at drug lords dalhin sa impiyerno - Gatchalian

MANILA, Philippines -  Sa pamamagitan lamang ng pagbabalik ng parusang kamatayan madadala sa impiyerno ang mga child rapists at mga drug lords.

Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Sherwin Gatchalian na sumusuporta sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

“Bringing back the death penalty is the best way to send child rapists and drug lords on the one-way express to Hell,” ani Gatchalian.

Pero agad na nilinaw ni Gatchalian na sa dalawang karumal-dumal na krimen lamang niya nais ipataw ang pinakamabigat na parusang bitay.

Naniniwala si Gatchalian na hindi na maaring patawarin ang mga drug lords at mga nangri-rape ng mga bata.

Pero bukas rin si Gatchalian sa panukala ni Senate Majority Leader Tito Sotto na limitahan ang pagbabalik ng parusang bitay sa mga large scale drug offenses.

Hinikayat rin ng Gatchalian ang mga kasamahang senador na pagtuunan ng pansin ang nais ng publiko na buhayin ang parusang kamayatan base na rin aniya sa isang lumabas na survey kung sinasabing 4 sa bawat limang Filipino ay sumusuporta sa pagbabalik ng bitay.

Show comments