^

Bansa

Pulis bawal sa ‘Pokemon Go’, pwede sa ‘Tsip Bato’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bawal maglaro ng ‘Pokemon Go’, ang number 1 game sa cellphone na kinahihiligan ng mga netizens ang mga pulis sa loob ng mga himpilan  ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.

Ayon kay Senior Supt. Gilbert Cruz, Director ng PNP- Police Community Relations Group (PNP-PCRG), mahigpit nilang ipinagbabawal ang paglalaro ng ‘Pokemon Go’ sa mga pulis lalo na at oras ng trabaho.

“We need to focus on our job especially now, we are too busy on intensified anti-drug campaign”, pahayag ni Cruz nang matanong sa nasabing game na pinagbubuhusan ng atensyon ng mga netizens.

Sinabi ni Cruz na hindi magandang nakikita ng publiko na naglalaro ng ‘Pokemon Go’ ang mga pulis lalo na kung isinisingit ito sa oras ng trabaho.

“Ikaw matutuwa ka ba kung pulis pa ang kaagaw mo sa panghuhuli ng mga karakter sa ‘Pokemon Go’ sa halip na hinahabol o hinuhuli ay mga kriminal”, dagdag pa ni Cruz.

Nang matanong naman kung maaring maglaro ng ‘Pokemon Go’ kapag off duty ang mga pulis lalo na ang mga rookie cop, ipinayo ni Cruz na “Tsip Bato” na lamang ang laruin ng mga bagitong parak.

Ang ‘Tsip Bato’ ay isa ring uri ng game sa internet at cellphone na naglalarawan sa anti-drug campaign na inilunsad ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa .

Sinabi  ni Cruz na ang ‘Tsip Bato’ ang mas mainam na pag-ukulan ng pansin ng mga pulis dahilan sa ‘Ang Bumangga Giba kay Bato’ ay patungkol sa seryosong kampanya kontra droga ng PNP sa ilalim ng liderato ni dela Rosa  at bukod dito ay maaari rin itong laruin ng pamilya ng mga pulis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with