^

Bansa

Media off-limits sa Digong inaugural!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tablado pa rin ang media sa coverage sa mismong inagurasyon at oath-taking ni President-elect Rodrigo Duterte sa Malacañang at tanging PTV 4 at Radio-TV Ma­lacañang (RTVM) lamang ang papayagan na makapasok at mag-cover nito.

Hindi imbitado ang Malacañang Press Corps (MPC) sa inagurasyon ni President-elect Rodrigo Duterte sa June 30 na gaganapin sa Rizal Hall ng Malacañang Palace, ayon kay incoming Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar.

Sinabi ni Sec. Anda­nar, masyadong masikip daw kasi ang venue kaya hindi makakayang papasukin ang Malacañang reporters sa inagurasyon ni President Duterte sa June 30.

“Masyado masikip lamang talaga ang ve­nue sa Rizal Hall kaya nagdesisyon na huwag nang papasukin ang Malacañang media sa inagurasyon ni Duterte sa June 30,” paliwanag ni incoming PCO Sec. Andanar sa interview ng Malacañang reporters.

Aniya, maging ang mga miyembro ng Gabinete ni President Duterte ay sinabihan na huwag nang isama ang kanilang mga asawa sa inagurasyon dahil sa limitado lamang ang bilang ng bisita dahil na rin sa maliit na espasyo ng magiging venue.

Gaganapin ang inagurasyon at oath-taking ni President Duterte sa Rizal Hall ng Malacañang sa June 30 kung saan ay limitado lamang sa 500 guests ang imbitado.

Tanging ang RTVM at PTV 4 lamang ang papapasukin sa inagurasyon ni Duterte sa Palasyo tulad ng ginawa ni President-elect ng magdeklara ito ng ‘boycott’ sa media sa Davao City kung saan ay PTV 4 lamang ang kanyang pinapapasok sa Malacañang in the South sa Panacan, Davao City.

Nilinaw pa ni Anda­nar, bibigyan lamang ng espasyo ang mga private television network para sa monitoring nito sa Malacañang grounds habang ang Malacañang reporters ay puwedeng mag-monitor ng kaga­napan sa loob ng Palas­yo mula sa Press Working Area (PWA) dahil live naman ito sa PTV 4.

Nilinaw na walang kinalaman ito sa pagdedeklara ng ‘boycott’ ni Duterte sa media bagkus ay nagkataon lamang dahil sa maliit ang venue. Aniya, walang intensyon si Duterte na iwasan ang national media sa loob ng anim na taong termino nito.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with