^

Bansa

Alcala dawit sa ‘garlic cartel scam’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng tanggapan ng Ombudsman si Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala at mga opisyal ng Bureau of Plant and Industry (BPI) dahilan sa umano’y pagsasabwatan sa “garlic cartel scam”.

 Ang hakbang ay ginawa ng Ombudsman nang  sampahan ng kasong “graft at grave misconduct and conduct prejudicial to the best Interest of the service” sina Alcala at BPI officials na sina Clarito Barron, Merle Palacpac, Jesus Bajacan at Luben Mara­sigan gayundin si  Lilia Cruz at  incorporators ng  Vegetable Importers, Exporters and Vendors Association of the Philippines, Inc. (VIEVA).

Sa reklamo ng field investigation office ng Ombudsman, noong E­nero-Hulyo 2014 naganap ang kakaiba at nakaka-alarmang pagtaas ng presyo ng bawang dahilan para atasan ng Department of Justice na paimbestigahan ito sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa posibleng profiteering, hoarding at cartel-like activities.

Sa January 2015 transmittal letter, sinabi ng NBI na ang VIEVA, isang grupo ng mga garlic traders at importers na pinangungunahan ni Cruz ay n­agmonopolyo sa presyuhan ng bawang at nagdikta ng presyo ng bawang sa mga pamilihan sa pakikipagsabwatan ng mga opisyal ng BPI na nagbigay ng import permits sa VIEVA at  affiliates kahit kulang sa akreditasyon.

Sinasabing si Alcala ay ang may direct supervision sa tungkulin ng BPI  at nasangkot dito ang una nang likhain ang National Garlic Action Team (NGAT) na kinabibilangan ng mga  private stakeholders na may interes sa industriya ng bawang.

 Una nang nairekomenda noon ng Ombudsman na imbestigahan si Barron sa kasong graft at direct bribery dahil sa maanomalyang pagpapalabas ng garlic import permits.

 Isang saksi ang nagsabi na noong Hulyo 2012,  isang vegetable importer/exporter ang nagtungo sa opisina ni Barron at nagbayad ng P240,000.00  kapalit ng issuance ng  dalawang  import permits. Iniimbestigahan na rin si Barron hinggil dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with