^

Bansa

2 Abu Sayyaf, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang berdu­gong Abu Sayyaf Group  na sangkot sa kidnap-for-ransom at pamumugot sa mga hostage ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa bisinidad ng Governor Camins Avenue, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur noong Lunes ng gabi.

Isinailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Alhnur Bacalso Usup , 28, gumagamit ng mga alyas Arab-­Arab, Arab Puti, at  Aldin Usup;  at kasamahan nitong si Jamal Sapie Labuan, 32.

Bandang alas -11:45 ng gabi nang masakote ang mga suspek  ng pinagsanib na puwersa ng Public Safety Company, Special Wea­pons and Tactics (SWAT) team  at iba pang units ng pulisya sa nirentahang apartment sa nasabing lugar.

Ayon kay P/Chief Insp. Rogelio Alabata, ang mga suspek ay ina­resto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Betlee-lan Baraquias ng Parang Regional Trial Court, Branch 4  sa Sulu kaugnay ng Talipao massacre noong 2014.

Narekober sa mga suspek ang dalawang motorsiklo, 3 plastic sachet ng shabu, granada, at mga drug paraphernalia.

Ang dalawang motorsiklo na kinarnap ng mga suspek ay sinasa­bing pag-aari nina Elmer Romualdo at Benedick Rojas.

vuukle comment

GRINGO HONASAN

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with