Duterte inindorso ng LDP
MANILA, Philippines – Inindorso ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ang presidential bid ni Davao City Mayor Rodrigo R. Duterte.
Ipinahayag ni LDP Chairman Edgardo Angara na ipinasya ng LDP na suportahan si Duterte dahil naniniwala silang ang plataporma nito ay makakatugon sa ubod na problema ng bansa sa mahalagang bahaging ito ng kasaysayan.
“Pag-asa para sa istrukturang pagbabago ang handog ni Duterte,” paliwanag ni Angara.
“Direktang tumutugon sa kalagayan ng mga Pilipino ang Peace and Prosperity Agenda ni Duterte.”
Si Angara ay nagsilbi rin sa Senado mula 1987 hanggang 1998 at mula 2001 hanggang 2013.
Pangulo siya ng Senado mula 1993 hanggang 1995, at gumanap din ng tungkulin bilang Kalihim ng Agrikultura mula 1999 hanggang 2000, at Executive Secretary noong 2001.
- Latest

























