DepEd: 1.3M estudyante papasok sa senior high
MANILA, Philippines – Sa pagpapatupad ng K to 12 program, aabot sa 1.3 milyong estudyante ang inaasahang papasok sa senior high school (SHS) sa 2016-2017 school year, ayon sa Department of Education (DepEd) ngayong Biyernes.
Sinabi ng DepEd na higit 40,000 guro na rin ang nag-apply upang makapagturo sa SHS.
Nasa 878,000 o 76 percent ang papasok sa mga pampubliko paaralan, habang 438,000 o 24 percent naman sa private scools.
Umabot naman sa 172,000 o 5.7 percent ang lilipat ng public schools mula sa mga pribadong paaralan.
Tinatayang nasa 59 percent ng 1.3 estudyante ang susundin ang academic track, habang 40 percent ang kukuha ng technical-vocational-livelihood track, habang isang porsiyento lamang ang pipili ng arts and design at sports tracks.
Sa buong bansa ay 5,902 public schools ang may Grade 11 sa 2016 at Grade 12 sa 2017, habang 4,328 private high schools.
- Latest