Umpisahan ang taon sa ExpressPay’s ‘Balik P5 kada bill’ promo”
(Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ngayong bagong taon dapat na natin iwanan ang mga makalumang paraan at gamitin ang mga bagong pamamaraan sa modernong mundo na ating kinakaharap, salamat sa kumpetisyon dahil nagkakaroon ng mga mas mahusay na opsyon na magagamit sa karaniwang gawain katulad na lamang ng pagbabayad ng ating mga buwanang bills.

Sa pinakabagong ExpressPays promo na “Balik P5 Kada Bill” makakatanggap ng P5 voucher para sa bawat magbaba­yad ng kanilang mga bills sa kahit anumang sangay ng ExpressPays kung saan magagamit ang kanilang mga voucher sa susunod na bayaring bills o kahit sa anumang ExpressPay services tulad ng pagpapadala ng pera, courier service at cellphone load habang isang taon ang balidido mula sa petsa kung kailan natanggap ang voucher.

Layunin ng Balik P5 Kada Bill promo na tulu­ngan ang publiko na kahit papaano ay magkaroon ng savings. Sa P5 sa bawat bill, mas maraming bills na babayaran mo, mas mataas ang matitipid o ang magiging savings.

“Ok yung promo. Actually nagamit ko na siya, naka-libre ako ng Load.  Lalo na ngayong pataas na nang pataas ang bilihin, magandang makatanggap ng saving,” ayon kay Victor Inigo, isa sa mga suki ng ExpressPay.

Tatagal ang “Balik P5 Kada Bill” hanggang February 29, 2016.

Higit na sa 800 mga sangay sa buong bansa ang ExpressPay.

ACIRC ANG BALIK BILL HIGIT KADA BILL LAYUNIN MGA NGAYONG TATAGAL VICTOR INIGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with