^

Bansa

Tagapagsalita ni PNoy lumipat na sa Team Mar?

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iisa na lamang ba ang natitirang tagapagsalita ni Pangulong Aquino at lumipat na ang iba kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas?

Ito ang tanong ng Malacañang reporters matapos hindi na mahagilap kahit sa text ang mga tagapagsalita ni Pangulong Aquino maliban kay Communications Sec. Sonny Coloma. 

Halos hindi na makita ang ‘anino’ sa Palasyo nina Presidential Spokesman Edwin Lacierda at Deputy Spokesperson Abigail Valte.

Sinabi ni Valte sa pamamagitan ng text sa PSN na ‘on leave’ na ito kaya hindi na ito nagrereport sa Office of the Presidential Spokesman.

Habang si Lacierda naman ay paminsan-minsan na lamang nakikita sa Malacañang gayung tuwing Lunes-Miyerkules ang toka nito upang magsagawa ng regular media briefing para sa Malacañang Press Corps.

“Paminsan-minsan na lamang sumagot sa mga text message si Sec. Lacierda at paminsan minsan na din ito magbigay ng brie­fing kaya halos si Sec. Coloma na lamang ang natatanong ng mga reporters,” wika ng isang Malacañang reporter.

May haka-haka na nasa Team Mar na sina Lacierda at Valte kaya hindi na ito nakikita sa Palasyo.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

COMMUNICATIONS SEC

DEPUTY SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

LACIERDA

LIBERAL PARTY

MALACA

MAR ROXAS

OFFICE OF THE PRESIDENTIAL SPOKESMAN

PANGULONG AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with