^

Bansa

PNoy ibinasura ang SSS pension hike bill

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang aasahang pagtataas ng pensyon ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos ibasura ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukala.

Sinabi ni Aquino sa Kamara na may negatibong epekto ang panukala sa SSS na kukulangin ang pondo kapag inaprubahan niya ang House Bill 5842 na may karagdagang P2,000 across-the-board increase sa buwanang pensyon.

“While we recognize the objective of the bill to promote the well being of the country’s private sector’s retirees, we cannot support the bill in its present form because of its dire financial consequences,” sabi ng Pangulo.

Dagdag niya na nasa higit 2 milyon ang pensioners ng SSS at kung ipatutupad ito ay magagalaw ang Investment Reserve Fund  (IRF) para lamang matugunan ang ito.

Aniya maaaring maubos ang IRF sa taong 2029.

“More specifically, the proposed pension increase of P2,000 per retiree multiplied by the present number of more than 2 million pensioners will result in a total pay-out of 56 billion annually. Compared against annual investment income of P30 billion to P40 billion such total payment for pensioners will yield deficit of 16 to 26 billion annually,” paliwanag ni Aquino.

“The stability of the entire benefit system whose present membership comprises about 31 million individuals will be seriously compromised in favor of 2 million pensioners and their dependents.”

Ipinasa ng Kamara ang SSS pension increase bill noong Hunyo 9, 2015m kung saan makalipasa ng limang buwan ay tinanggap ito ng Senado nang walang ginawang pag-amyenda.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANIYA

AQUINO

DAGDAG

HOUSE BILL

HUNYO

INVESTMENT RESERVE FUND

KAMARA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with