_ngayon
^

Caloocan dad sinibak ng Ombudsman

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi na pinayagan pa ng tanggapan ng Ombudsman na makapuwesto pa sa alinmang ahensiya ng pamahalaan ang isang incumbent councilor ng Caloocan City matapos mapatunayang guilty sa reklamo ng mag-asawang vendor na kanya umanong kinotongan noong ito ay barangay chairman pa.

Sa nilagdaang kautusan ni Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur H. Carandang, inatasan nito si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na ipatupad ang pag-aalis sa tungkulin kay City Councilor Ernesto “Teben” Cunanan na noon ay kapitan ng Barangay 8 ng naturang lunsod.

Bunga nito, kinansela rin ng Ombudsman ang eligibi­lity at retirement benefits ng konsehal.

Nag-ugat ang kaso sa rek­lamong grave misconduct na isinampa ng mag-asawang Eduardo at Josephine Libres sa Ombudsman nang umano’y gibain ang kanilang tindahan ng uling nang hindi makapagpatuloy sa P1,500 “buwanang butaw” na puwersahan umanong hiningi sa kanila ni Kapitan Cunanan.

Sa kabila ng pagbaba­yad ng mag-asawa ng halagang  P9,300 na butaw, wala umanong inisyung resibo ang  barangay hinggil dito.

Nang hindi na umano ma­ipagpatuloy ang butaw ng mag-asawa dahil nagamit na pambili ng gamot ang kanilang pera, ipinademolis ng barangay ang kanilang tindahan subalit ang ibang mga vendors sa kanilang paligid ay hindi naman giniba.

Sa depensa ni Cuna­nan, sinabi nitong hindi niya pu­wersahang hiningian ang mag-asawa dahil boluntaryo itong nag-alok ng P1,500 na buwanang tulong sa barangay subalit hindi ito kinatigan ng anti-graft court.

ACIRC ANG BUNGA CALOOCAN CITY CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN CARANDANG CITY COUNCILOR ERNESTO CUNA JOSEPHINE LIBRES KAPITAN CUNANAN OVERALL DEPUTY OMBUDSMAN MELCHOR ARTHUR H
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with