Maaliwalas ang panahon sa pista ng Nazareno
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Maaliwalas ang pana­hon ngayong araw para sa mga deboto ng Pista ng Poong Nazareno na sasama sa prusisyon.

Maulap naman ang kalangitan na may mahinang pag-ulan sa may Cagayan Valley region at sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon gayundin sa Cordillera, Ilocos at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Patuloy ­namang makakaranas ng ma­lamig na umaga sa buong Northern Luzon kasama ang Metro Manila dahil sa paglakas ng hanging amihan.

Maaliwalas din ang alon sa mga karagatan partikular sa silangan at hilagang silangan ng bansa.

Wala namang namomonitor ng padating na bagyo o anumang sama ng panahon ang PAGASA ngayong weekend.

ACIRC CAGAYAN VALLEY CENTRAL LUZON ILOCOS MAALIWALAS MAULAP METRO MANILA NORTHERN LUZON PATULOY PISTA POONG NAZARENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with