^

Bansa

Mister nagtampo sa misis, nagbigti

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakabitin at wala ng buhay ang isang 28-anyos na mister nang datnan sa bahay ng kaniyang misis sa Tondo, Maynila, sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Anjo Bulalaque, ng Building 22 Aroma,Temporary Housing, Tondo.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ni Cristine, 21, misis ng biktima, ang pagpapatiwakal ng asawa alas -4:00 ng hapon.

Nabatid na bago ang pagpapakamatay, pinuntahan pa ng biktima ang misis na nakitulog umano sa ibang unit at nagbanta na “bahala ka pag di ka pa sumunod sa bahay alam mo na kung ano ang mangyayari..”

Hindi naman nakatiis ang misis ng biktima kaya umuwi rin ito hanggang sa madiskubre na tinotoo na pala ng mister ang banta dahil nagbigti na ito gamit ang bed sheet na ipinulupot sa leeg at isinabit sa kisame.

Sa pagsisiyasat, lasenggo ang biktima at madalas din ang pang-aaway nito sa misis kaya naisipan umano ng huli na makitulog sa kapitbahay o sa ibang unit ng gusali.

vuukle comment

ANG

ANJO BULALAQUE

CRISTINE

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MICHAEL MARAGGUN

MISIS

NABATID

NAKABITIN

TEMPORARY HOUSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with