^

Mag-ama niratrat sa clan war

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2015 - 9:00am

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang 50-anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa bahagi ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Adin Macainas Manto ng Brgy. Manili sa bayan ng Carmen.

Batay sa ulat, pauwi na ang biktimang sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak na si Amid Manto mula sa Barangay Poblacion nang buntutan at ratratin ng riding-in-tandem gunmen.

Napatay ang biktima habang nakaligtas naman ang anak nito.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong rido ang isa sa motibo sa pamamaslang.

ADIN MACAINAS MANTO AMID MANTO ANG BARANGAY POBLACION BRGY KABACAN NAPATAY NORTH COTABATO RONNIE CORDERO SENIOR INSP SITIO LUMAYONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with