Mas mabigat na batas vs paputok - Gatchalian
MANILA, Philippines – Isinulong ni Valenzuela City Rep. Win Gatchalian ang panukalang batas para sa mas mabigat na parusa sa pagbebenta at paggamit ng firecrackers sa pamamagitan ng pag-amyenda sa umiiral na batas hinggil dito.
Hiniling ni Rep. Gatchalian ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) ang pagpasa sa House Bill 4434 o “Firecracker Regulation Act of 2014” sa gitna ng panawagan ng Department of Health na mas mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa pagbebenta ng piccolo na lubhang mapanganib sa mga gumagamit nito.
“That there are still reported injuries due to firecrackers only shows that we need to strengthen the current law on the sale and use of firecrackers. We need to amend the law to protect the children who are most vulnerable as they do not fully understand the dangers of firecrackers,” wika ni Gatchalian.
Aniya, mula sa 860 na firecracker-related injuries noong nakaraang taon ay 32 percent dito ay dahil sa piccolo sa kabila na ipinagbabawal na pagbebenta nito.
Hindi layunin ni Gatchalian na maging ‘kill joy’ sa panahon ng holidays kundi nais lamang niyang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan lalo ng mga batas.
“Every year, we endure from the pollutants caused by the use of firecrackers to welcome the New Year, we see news flashes of countless injuries, especially to the hapless children. Until when should we allow this cycle of perils to our health and environment?” dagdag pa ng senatorial candidate ng NPC sa 2016 elections.
- Latest