Sa pagka-senatorial bet Rep. Romualdez pinag-aagawan
MANILA, Philippines – Inulan ng suporta si Leyte Rep. Martin Romualdez sa kanyang pagkandidato bilang senador mula sa halos lahat ng mga pangunahing tumatakbo bilang Presidente at Bise-Presidente sa halalan sa 2016.
Kabilang sa mga nag-endorso kay Romualdez ay sina Vice President Jejomar Binay ng UNA at Senator Miriam Defensor Santiago, pati na ang vice presidential running mate ng huli na si Sen. Bongbong Marcos.
Maging ang sinasabing PDP-Laban “substitute presidential candidate” na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada ay inendorso rin ang kanyang senatorial bid.
Inanyayahan din si Romualdez ng Nationalist Peoples’ Coalition para maging bahagi ng senatorial line-up ng partido.
“Their show of faith and confidence in me only serves to strengthen my resolve to continue to serve our country to the best of my abilities and “malasakit” (concern),” wika ni Romualdez.
“I am thankful and appreciative of everyone who has recognized the relevancy of my message to bring back ‘malasakit’ in our leadership, and in my case as a Senator of the Republic of the Philippines,” aniya.
Binigyang-diin ni Romualdez na sinusuportahan niya at lahat ng presidential at vice presidential candidates, gayundin ang lahat ng mga kandidato sa anumang posisyon, hangga’t ang kanilang adhikain ay akma sa kanyang mensahe ng pagkakaroon ng “malasakit.”
“I believe in my heart that now is the time to bring back genuine concern for the people. It is my objective to bring back empathy in governance. By replacing indifference with compassion and responsiveness, we can as one people fight poverty and bring prosperity to our people.”
- Latest