Dick Gordon hinimok ng UNA, LP na kasuhan si Poe
MANILA, Philippines — Ilang miyembro ng United Nationalist Alliance (UNA) at Liberal Party (LP) ang lumapit kay Philippine Red Cross Chair Richard "Dick" Gordon upang sampahan ng disqualification case si Sen. Grace Poe na tatakbong pangulo sa 2016.
Isiniwalat ni Gordon na ilan sa kaniyang mga naging kaklase sa University of the Philippines na mga miyembro ng UNA at LP ang nanghimok sa kanya na kasuhan ang senadora.
"I'm not interested in getting it from the backdoor. I want to make sure that the people will realize that if they want to have a country where they're going to have real leaders, they have to have honest to goodness clean, fair elections," wika ni Gordon sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.
BASAHIN: COC ni Poe ipinababasura
Para kay Gordon na muling tatakbong senador ay madumi at hindi patas ang eleksyon sa bansa.
Nais niya na magsagawa ng debate sa pagitan ng mga tatakbong pangulo at bise presidente sa panahon ng kampanya upang malaman kung sino talaga ang magaling.
Matapos maghain ng kaniyang certificate of candidacy (COC) nitong Biyernes, dalawang disqualification case na ang kinakaharap ni Poe.
Isa sa mga naghain ay si dating Senador Francisco "Kit" Tatad na layong ipabasura ang COC ni Poe dahil hindi siya natural-born citizen.
- Latest