Drilon kumpiyansang mananalo si Leni sa 2016
MANILA, Philippines – Hindi masiyadong pinagtutuunan ng pansin ng Liberal Party (LP) ang resulta ng mga survey para sa nalalapit na eleksyon.
Sa kabila ng mababang grado, naniniwala si Senate President Franklin Drilon na mananaig si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa pagkabise presidente.
Sinabi ni Drilon na tulad ni Robredo, mababa rin ang ratings ng kanilang standard bearer Mar Roxas.
“Alam mo nung apat na porsyento lang si Mar Roxas, sinasabi, ‘Mananalo ba iyan?’ Ngayon ay nandiyan na naman sa media, "Pitong porsyento lang, mananalo ba iyan?" Mananalo iyan,” pahayag ng senador.
Isa sa mga nakikitang katangian ni Drilon kay Robredo ang pagiging simple ng natatanging babaeng tatakbong bise presidente.
“Among the vice presidential bets, Leni Robredo stands out. Her sincerity, simple background will help her win,” wika ni Drilon.
“Si Leni Robredo, she represents women, she is the best example of what good governance is all about. She has always stood by the principle of "Matuwid na Daan," and the sincerity of the person is very clear,” dagdag niya.
- Latest