^

Bansa

Duterte inialok ang sarili kapalit ng 3 dayuhan, Pinay na kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inialok ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kaniyang sarili sa mga kidnapper kapalit ng kalayaan ng tatlong  banyaga at isang Pinay na dinukot ng mga armadong grupo noong Lunes ng gabi sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

Sa isang television interview, sinabi ni Duterte na handa siyang sumama sa mga kidnapper sa bundok at siya na lang ang bihagin basta’t masirugo lamang ang kaligtasan at pagpapalaya sa mga hostages.

Kabilang sa mga ito ay sina Norwegian national Kjartan Sekkingstad, 56, Manager ng Holiday Oceanview Resort  mga Canadian   na sina John Ridsdel, 68 at Robert Hall, 50 gayundin ang Pinay na si Maritess Flor.

Ang mga bihag ay dinukot ng mga armadong suspek  na lulan ng dalawang pumpboats noong Lunes ng gabi matapos salakayin ang nasabing resort na pag-aari ng Norwegian sa Island Garden city of Samal .

“I will offer myself as a hostage. If they would release I’d like to join them in the forest,” ani Duterte na sinabi pang gumagawa na siya ng hakbang para kausapin ang mga kidnappers na palayain ang mga bihag.

Nilinaw ni Duterte  na hindi niya hurisdiksyon ang Davao del Norte at sa kasalukuyan ay hinahayaan niya ang lokal na pamahalaan nito, ang pulisya saka militar na resolbahin ang kaso ng kidnapping ng mga biktima.

Nabatid na si Duterte ay kasalukuyang Chairman ng Regional Peace and Order Council sa rehiyon ng Davao.

Samantalang naghihinala rin si Duterte na mga propesyunal ang mga kidnapper , dahilan tantiyado ang kilos ng mga ito at posibleng nasangkot na sa mga  nakalipas na insidente ng kidnapping.

vuukle comment

ANG

DAVAO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

HOLIDAY OCEANVIEW RESORT

ISLAND GARDEN

ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL

JOHN RIDSDEL

KJARTAN SEKKINGSTAD

MGA

NBSP

SAMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with