15 pasahero ng eroplano nasaktan sa turbulence
Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Nasaktan ang may 15 pasahero ng Philippine Airlines matapos makaranas ng clear air turbulence kahapon habang nasa himpapawid.

Ayon sa inisyal na report, patungong Manila galing Hawaii ang PAL flight PR 101 nang makaranas nang malakas na pagyugyog ang eroplano habang nasa ere.

Paglabas sa tube lahat ng mga pasahero ay naka-wheelchair na matapos mabukulan. Karamihan sa kanila ay hindi umano naka-seatbelt habang nag-panic ang iba sa akalang babagsak ito.

Agad namang sumaklolo ang medical staff para mabigyan ng lunas ang mga pasahero.

Napag-alaman, lumapag ang eroplano ng PAL sa NAIA Terminal 2 dakong 4:18 ng hapon kahapon.

ANG AYON EROPLANO HABANG KAHAPON KARAMIHAN NAPAG NASAKTAN PAGLABAS PASAHERO PHILIPPINE AIRLINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with