Plunder case vs Binay, bayad
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Inakusahan kahapon ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na ang panibagong kasong pandarambong na isinampa ni Renato Bondal laban sa una ay isa na namang “nuisance suit” na nabili o nabayaran.

Ayon kay Atty. Rico Quicho, Vice Presidential spokesperson for political affairs, kilala sina Bondal at dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na mga walang kapagurang pasimuno ng akusasyon at pagsasampa ng kasong gawa-gawa lamang laban kay VP Binay at pamilya nito upang tuluyang masira sa publiko.

Sinabi ni Quicho na ang huling plunder case ay may kaugnayan sa “Meriras property”. Aniya, nasa rekord na ang lote ay pag-aari ng pamilya Chong habang ang pagpapaayos at pagpapaganda nito ay sa Meriras Corporation na inamin ni Mercado na isa siya sa part owner.

Taliwas sa alegasyon ni Bondal na nagkaroon ng illegal na paggamit sa pampublikong lupain, sinabi ni Quicho na napatunayan at idineklara ng Office of the Ombudsman at Department of Environment and Natural resources na ang pagtutuos (acquisition) sa lote ng Meriras ay balido at legal ng nakalipas pang mahigit isang dekada.

Sinabi ni Quicho na sa testimonya ng pamilya Chong sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee, inamin nilang eksklusibo silang nakipag-usap kay Mercado kaugnay sa Meriras Property at ni minsan ay wala silang naging transaksyon sa Bise Presidente.

Una nang sinabi ni Bondal sa pagdinig sa Senado na pag-aari ni Binay ang nasabing lote at ginamit lamang umano ng huli ang Meriras Realty Development Corporation upang itago ang “ownership” nito sa property. Sinasabi na ang naturang lote ay bahagi ng Fort Bonifacio Military Reservation sa Barangay Comembo sa Makati kung saan alkalde pa noon ang Bise Presidente.

Sinasabi na ang “Meriras” ay kombinasyon umano ng mga “Mercado” (ex-Vice Mayor Ernesto) at “Irasga,” apelyido ng dating Makati City engineer na si Nelson Irasga.

ACIRC ANG BARANGAY COMEMBO BINAY BISE PRESIDENTE BONDAL CHONG DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL MERCADO MERIRAS QUICHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with