Barangay kagawad kritikal sa duwelo

MANILA, Philippines – Kritikal sa Metropolitan Medical Center ang isang 47-anyos na barangay kagawad nang pagtatagain ng samurai ng isang kalugar na naka-engkwentro  nito sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mga taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si  Danilo Chua, kagawad ng Barangay 237,  Zone 22, District 2, at residente  ng  no. 1692 Antonio Rivera St., Tondo. Arestado at nakapiit naman sa Manila Police District-station 2 ang suspek na si  Ren Ren dela Cruz, 33, residente rin ng nasabing barangay. Sa ulat sumugod umano si Dela Cruz  dala ang samurai at tinapatan lamang ito ng kagawad ng patalim bilang depensa, kung saan inabot umano ng mga taga sa katawan at mga braso ang biktimang si Chua, habang minor na sugat lamang ang una.

Show comments