^

Bansa

Mar dumepensa kay PNoy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol kahapon ni DILG Secretary at LP presidential standard bearer Mar Roxas si Presidente Noynoy Aquino sa mga birada ni Vice President Jejomar Binay tungkol sa impeachment ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito’y tungkol sa alegasyon ni Binay na pinayuhan niya noon si PNoy na “respetuhin ang institution” at huwag iimpeach si Corona sa harap ng mga alegasyon na may itinatagong yaman ito at pagkampi sa mga kasong kinasasangkutan ni da­ting Pangulo at ngayo’y Pampanga Congw. Gloria Macapagal-Arroyo.

Magugunita na Dis­yembre 2011 ay inimpeach ng Mababang Kapulungan si Corona at nahatulang guilty ng Senate Impeachment Court noong Mayo ng sumunod na taon. 20 senador ang bumotong guilty si Corona pagkatapos mapatunayan sa paglilitis na may mahigit P183 milyon, lupa sa magarang subdivision at mamahaling mga condominium unit si Corona na hindi nakadeklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.

Ayon kay Roxas, “malabo” ang mga paratang ni Binay, na noo’y nanahimik at walang direktang pahayag tungkol sa kaso kay Corona. “Iisa lang ang malinaw dito: malabo ang mga dahilan ni Vice President Binay sa banat niya kay Pangulong Aquino sa pagsusulong ng impeachment laban kay Renato Corona. The Judiciary is not Corona and Corona is not the entire Judiciary,” pahayag ng Kalihim sa isang statement na ipinadala sa mga mamamahayag.

Pinaalala ni Roxas na matibay at malinaw ang ebidensiya laban kay Corona. “Alam ng lahat na nasunod ang proseso ng batas sa pagtanggal sa puwesto ni Corona. In the face of overwhelming evidence, the impeachment court found that Corona had millions of pesos and properties that were not declared in his SALN and outside of his lawful income as a go­vernment employee. Even Binay’s staunchest allies voted to impeach Corona,” sabi niya.

“Kapag naging pa­ngulo siya, ibig sabihin ba nito ay hindi siya kikilos laban sa mga tiwaling judge, senador, congressman kahit ga-bundok na ang ebidensiya dahil sa baluktot niyang paraan ng pagrespeto sa mga institusyon?” tanong pa ni Roxas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

CORONA

CORONA AND CORONA

EVEN BINAY

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

LIABILITIES AND NET WORTH

MABABANG KAPULUNGAN

MGA

ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with