Palitan ng text messages ni PNoy at Purisima sinubpoena ng Senado
MANILA, Philippines – Sinubpoena na ng Senado mula sa telecommunication companies ang naging palitan ng text messages nina Pangulong Aquino at dating PNP chief Alan Purisima noong Enero 25.
Kaugnay ito ng isinasagawang imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order sa sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 SAF commandos.
Matatandaang inamin sa Senado ni Purisima na umaga pa lang ng Enero 25 tinext na niya si PNoy ukol sa resulta ng operasyon.
Pinirmahan ni Senate President Franklin Drilon ang subpoena para sa transcript ng palitan ng text messages.
Hihintayin anya ng Senado ang tugon ng telcos dito bago isapinal ang committee report sa insidente.
Sakaling kontrahin ito ng Malakanyang at mapigilang makuha ang mga dokumento sa telcos, ipauubaya na ito ni Drilon sa korte.
- Latest