Ika-3 oil price hike nakaamba

MANILA, Philippines – Sa ikatlong magkasunod na linggo, nakaambang muling tumaas ang presyo ng petrolyo.

Maglalaro sa P0.75 hanggang P0.95 kada litro ang madadagdag sa gasolina.

Nasa P0.70 hanggang P0.80 naman kada litro ang nakaambang taas-presyo sa diesel.

Tatalon naman ng P0.85 hanggang P0.95 ang kada litro ng kerosene.

Nitong Pebrero 17 ay nagkaroon ng ikalawang oil price hike na P1 hanggang P1.50 sa kada litro ng gasolina at diesel.

Una rito ay higit P2 ang itinaas sa gasolina at halos P2 naman sa diesel.

Show comments