^

Bansa

CebuPac nag-sorry sa nakanselang flights

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin at inako ng pamunuan ng Cebu Pacific ang kanilang pagkukulang sa serbisyo nito noong kapaskuhan partikular na noong Disyembre 24, 25 at 26.

Sa pagharap sa pagdinig ng House Committee on Transportation ni Lance Gokongwei, President and CEO ng CebuPac, aminado itong nabigo nila ang mga pasahero. Anim pa naman anya sa bawat 10 air passengers ang sumasakay sa kanila.

Sinabi ni Gokongwei na malaki ang kanilang naging pagkukulang sa serbisyo at isa sa naging dahilan nito ang matinding absenteeism o pagliban ng kanilang mga empleyado kaya kakaunti lang ang ground handlers noong holiday season.

Gayunman matapos anya ang aberya, umaksyon din ang pamunuan ng CebuPac para mapabuti ang serbisyo.

Sinabi ni Gokongwei na inayos na ang problema sa mga empleyado para maiwasan ang absenteeism at nagpapatupad na rin sila ng 24/7 management control monitoring. Masusi rin ang ka­nilang koordinasyon sa airport authorities at may isang airbus nang darating para magamit anumang oras sa anumang destinasyon sakaling kailanganin. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

 

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CEBU PACIFIC

DISYEMBRE

GAYUNMAN

GEMMA GARCIA

GOKONGWEI

HOUSE COMMITTEE

LANCE GOKONGWEI

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with