^

Bansa

NPD handa ngayong holiday season

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Northern Police District (NPD) Director, Chief Supt. Jonathan Miano ang seguridad maka­raang itaas ang full alert status ngayong Pasko.

Sa padalang mensahe ni Miano sa PSN, sinabi nito na nakaantabay ang lahat ng puwersa ngayon ng NPD, maging ang Caloocan, Valenzuela, Malabon at Navotas Police Stations laban sa pag-atake ng mga kriminal na mananamantala sa “holiday rush”.

 “Our status is full alert. Our primary concern is to ensure that criminals are denied of the opportunity to commit crimes and take advantage of the holiday rush,” ani Miano.

 Sinabi nito na tututok ang kanilang foot at mobile patrols sa matataong lugar upang agad na mahi­ngan ng saklolo ng mga biniktima ng mga kawatan. Partikular ito sa mga lugar ng pamilihan, department stores at maging sa mga simbahan para sa huling Simbang Gabi.

 Palalakasin rin umano nila ang kampanya laban sa pagpapaputok ng baril sa bisperas ng Pasko partikular sa mga lugar na naging kontrobersyal noong mga nakaraang taon dahil sa mga tinamaan ng ligaw na bala tulad ng Tala at Bagong Silang sa Caloocan City.

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

JONATHAN MIANO

MIANO

NAVOTAS POLICE STATIONS

NORTHERN POLICE DISTRICT

PASKO

SIMBANG GABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with