Ginang tinarakan ng ex

MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na ginang ang sinaksak ng kanyang dating kinakasama matapos tumanggi ang una na sumama sa huli kahapon sa Makati City.

Ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktimang si Risa Oro, ng Brgy.  Pio Del Pilar ng naturang lungsod.

Samantala, pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na si Richard Medina, ng nabanggit ding barangay.

Sa report na nakara­ting sa tanggapan ng Makati City Police Complaint Desk, naganap ang insidente alas-12:15 ng madaling-araw sa panulukan ng P. Medina St., at Gil Puyat Avenue ng naturang lungsod.

Nabatid na dating mag-live-in partner ang biktima at suspek at nang magkita ang dalawa sa naturang lugar ay dito niyaya ng lalaki ang una. Subalit, tumangging sumama ang biktima, dahilan upang magalit ang suspek hanggang sa nag-away na ang dalawa. Sa kainitan ng away ay kumuha ng patalim ang suspek at inundayan nito ng saksak ang da­ting kinakasama. Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek.

Show comments