^

Bansa

Rider patay, angkas sugatan sa bangga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang motorcycle rider ang nasawi habang sugatan ang kanyang angkas nang aksidenteng bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa plant box sa Pasig City, kahapon ng mada­ling araw.

Matinding pinsala sa ulo ang ikinamatay ng biktimang si Edmon Adigue, 36, ng Blk.1 Lot 24, Horacio De La Costa Homes, Brgy. Barangka, Marikina City na dead-on-arrival sa pagamutan.

Samantala,  kasa­lukuyang naka-confine sa The Medical City ang back rider nito na nakilalang si Ma. Theresa Perez, 29, ng Pamayanang Diego Silang, Taguig City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Police Traffic Division, naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng madaling araw sa C-5 Road Fly-over Brgy. Ugong Pasig City.

Sakay ng isang Yamaha FZ 135cc motorcycle na may plakang 2933-MW ang dalawa at bumibyahe sa lugar nang aksidenteng bumangga sila sa isang plant box.

Sa lakas ng impact nang pagkakabangga ay halos lumipad ang biktima at nabagok sa sementadong kalsada na naging dahilan nang agarang pagkamatay nito.

vuukle comment

BRGY

EDMON ADIGUE

HORACIO DE LA COSTA HOMES

MARIKINA CITY

MEDICAL CITY

PAMAYANANG DIEGO SILANG

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE TRAFFIC DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with