^

Bansa

Pagtatanim ng soybean giit sa mga magsasaka

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa Central Luzon na magtanim ng soybean bilang dagdag kita  at makatutulong pa sa kalusugan ng tao.

Ayon kay DA National Soybean program coordinator Rosemarie Aquino, ang soya ay nakapagbibigay resistensiya sa katawan ng tao upang labanan ang sakit sa puso, cholesterol at kanser.

Bukod dito, malaki rin anya ang maitutulong ng soya sa pagpapayabong ng lupang sakahan at pagpapalaki ng mga alagaing baboy, manok at isda.

Idinagdag pa ni Aquino na tutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka sa pagtatanim, pagsasanay, pagpapalago at sa paraan ng pagkain ng soybean.

Umapela rin ang DA sa publiko na tumulong sa pagpapalago at tangkilikin ang mga produktong nagmula sa soybean na maaari ding pagkakitaan bilang dagdag pangkabuhayan ng bawat pamil­yang Pilipino.

vuukle comment

AQUINO

AYON

BUKOD

CENTRAL LUZON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

IDINAGDAG

IGINIIT

NATIONAL SOYBEAN

ROSEMARIE AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with