^

Bansa

Senado kumasa sa Mighty probe

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang panawagan ng liderato ng Kamara, kumasa na rin ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso para tuluyan nang makalkal at mahubaran ang isang lokal na kumpanya ng sigarilyo na sinasabing hindi umano nagbabayad ng tamang buwis.

Ito ay makaraang sang-ayunan ni Sen. Antonio Trillanes IV ang naunang panawagan ni House Speaker Feliciano Belmonte na dapat na kalkalin ng Congressional Oversight Committee ang kuwentong nasa likod ng Mighty Cigarrette Corporation at sa umano’y nakakapagtakang pana­nahimik ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa naturang usapin.

“We welcome the proposal to conduct a Congressional investigation on this matter since the BIR has long been sitting on the issue of  alleged tax evasion of Mighty Corporation,” mariing pahayag ni Trillanes bilang reaksiyon sa panawagan ni Belmonte.

Nitong mga nakaraang araw ay nagsalita si Belmonte sa nabanggit na usapin dahil hindi umano niya maintindihan kung bakit hindi pa rin kumikilos ang BIR laban sa Mighty.

Maging si Sen. Sonny Angara, co-chairman ng Congressional Oversight Committee on Comprehensive Tax Reform Program (COCTRP) ay nagpahayag na rin ng pagkainip sa mabagal na pagkilos ng BIR laban sa Mighty Corporation.

“Many are waiting for the full report of the investigation conducted by the BIR,” ayon sa senador.

Sa papasok na buwan ng Enero ay ipagpapatuloy ni Angara ang pagdinig sa usapin at maaring tutukan na nito ang kaso ng Mighty matapos na pulungin ang mga miyembro ng kanyang komite kasama na ang mga miyembro buhat sa Kamara.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

BELMONTE

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMPREHENSIVE TAX REFORM PROGRAM

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

MIGHTY CIGARRETTE CORPORATION

MIGHTY CORPORATION

SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with