Pinay nag-suicide sa Arizona

MANILA, Philippines - Isang Pinay ang natagpuang patay matapos na umano’y magpatiwakal sa loob ng kanyang tirahan sa South Phoenix, Arizona, USA.

Sa report ng ABS-CBN North America News Bureau, kinilala ang Pinay na si Jenniefer Espino Lagarto Fritz, 33, na natagpuang nakabitin at wala nang buhay noong Sabado.

Tinitingnan ang anggulo na matinding depresyon bunsod ng mapapait na karanasan ang nagtulak sa biktima na tapusin ang kanyang buhay.

Naka-confine naman sa ospital ang live-in partner ni Fritz na si Lloyd Cracraft ng ilang linggo dahil sa komplikasyon mula sa surgery kaya wala ito ng mangyari ang insidente.

Nabatid na sa murang edad, dumanas umano ng pang-aabuso ang nasa­wing Pinay at na-diagnozed ng post-traumatic stress disorder at umiinom ng anti-depressants.

Nanawagan naman ang mga kaibigan ng nasawi na tulungan ang pamilya ng huli dahil sa kakapusan ng pera at upang makuha na ang bangkay na nakalagak pa rin sa morgue.

Naiwan ng Pinay ang kanyang apat na anak.

Show comments