Napoles ipinapalipat sa normal na kulungan

MANILA, Philippines — Nakatakdang ilipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang itinuturong mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles mula sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.

Iniutos ng Sandiganbayan Third Division ngayong Biyernes na ilipat agad si Napoles sa female dorm ng Bureau of Jail Management and Penology.

Nag-ugat ang desisyon ng korte sa hiling ng prosecution panel ng Office of the Ombudsman na ilipat si Napoles sa normal na kulungan.

Ikinulong si Napoles sa Fort Sto. Domingo Setyembre 2013 dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa ng pork scam whistleblower na si Benhur Luy.
 

Show comments