P4-M tangay ng akyat-bahay

BULACAN , Philippines  - Tinatayang aabot sa P4 milyong halaga ng ari-arian ang biglang naglaho makaraang looban ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang bahay ng babaeng OFW sa Barangay Guyong, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon. Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya para magreklamo ang may-ari ng bahay na si Juliewell Tan-Ogawa, 26, OFW mula sa bansang Japan at nakatira sa Matang Tubig Street sa nasa­bing barangay.

Sa ulat ni SPO1 Jericho Faigmane, sinamantala ng mga kawatan na umalis ang biktima kasama ang kanyang utol. Nang bumalik sa kanilang bahay ang magkapatid ay bumulaga ang nagkalat na gamit sa loob ng kuwarto kung saan nadiskubreng nawawala na ang mamaha­ling relos at iba pang personal na ari-arian na nagkakahalaga ng P4-milyon.

Show comments