Oratio Imperata vs El Niño sinimulan

MANILA, Philippines - Simula ngayon ng oratio imperata sa lahat ng Simbahang Katoliko na naglalayong mailigtas ang bansa sa anumang kalamidad, pagbaha at epekto ng tagtuyot.

Ang oratio imperata ay nilalaman ng circular letter ni CBCP President Lingayen-Dagupan archbishop Socrates Villegas kasunod ng paalala ng mga expert at scientists na makakararanas ang Pilipinas ng tagtuyot at malalakas na bagyo at iba pang kalamidad na nangangailangan ng taimtim na pananalangin.

Hinihikayat ni Archbishop Villegas ang lahat ng Diocese na simulan ang pagdarasal ng “oratio imperata” sa Mayo 15 hanggang Setyembre 29 kaalinsabay ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka at kapistahan ng archangels.

Dadasalin ang oratio imperata sa lahat ng simbahan sa buong bansa pagkatapos ng komunyon o bago ang “communion prayer” sa banal na misa.

Show comments