Pagtugis kay Deniece Cornejo, 3 kasamahan tuloy pa rin

Deniece Cornejo (kaliwa) at kapwa akusado sa kasong serious illegal detention na si Cedric Lee (kanan). File photo

MANILA, Philippines — Tanging mga damit pambabae lamang ang inabutan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang bahay sa Eastern Samar na pinaniwalaang pinagtataguan ng modelong si Deniece Cornejo.

Sinabi ng abogadong si Emetrio Donallo ng NBI Samar na bigo silang matunton si Cornejo na nagtatago sa kasong serious illegal detention na isinampa ng artistang si Vhong Navarro.

Dagdag ni Donallo na maaaring magkakasama noon si Cornejo at ang iba pang suspek na sina Cedric Lee at Simeon Palma o alyas Zimmer Raz.

Kaugnay na balita: NBI: Cornejo tinutunton na, 1 pa suspek sa kaso ni Vhong susuko na

Nauna nang nadakip sina Lee at Palma sa Oras, Eastern Samar noon Abril 26 at kasalukuyang nakakulong sa NBI detention facility sa Maynila.

Samantala, sinabi naman ni National Capital Region Director Efren Meneses Jr. na patuloy pa rin ang pagtugis sa iba pang suspek na si Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero.

Ayon sa kanilang mga nakalap na impormasyon, namataan si Fernandez sa Metro Manila, Quezon province at sa probinsiya ng Batangas nitong mga nakaraang linggo.

Kaugnay na balita: Cedric Lee arestado!

Walang piyansa ang kasong serious illegal detention.

Show comments