4 na araw na klase OK sa DepEd
MANILA, Philippines – Suportado ng Department of Education ang panukalang gawing apat na araw na lamang ang pasok sa eskwela upang maiwasang maipit sa titinding bigat ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Iminungkahi ito ng Metropolitan Manila Development Agency (MMDA) dahil sa pagsisimula ng Skyway Project 3 na magdurugtong sa South at North Luzon Expressway.
Bukod sa Skyway ay kasabay nito ang iba pang proyekto ng gobyerno na inaasahang lalong magpapabigat ng usad-pagong nang daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.
"Definitely, adjustments must be made to ease the school calendar problem because the construction of 15 major road networks will take more than two years to finish and the kids will surely suffer if they spend so much time on the streets waiting for transportation. We have already discussed with school superintendents and principals regarding MMDA‘s traffic rerouting which has to be well laid out first," pahayag ni DepEd Assistant Secretary Tonesito Umali.
Kaugnay na balita: Skyway 3 magdudulot ng mas mabigat na trapiko
Sa tantiya ng DepEd ay nasa 2 milyong estudyante ang maaapektuhan ng mga nakalatag na proyekto.
"The question now is which mode or alternative would be approved to be used. Will 20 Saturday makeup classes be used to complete the 200- school days in a year? Or are we going to give alternative module or assignments to students? Are we going to extend classes by one or two hours especially for those in a two-shift schedule? Identification of the scheme to be used is a priority since it could be put to work next year or even this coming June should the traffic problem worsens,†banggit niya.
Pero nilinaw ni Umali na kailangan itong pag-aralan mabuti dahil ang ibang paaralan naman ay hindi gaanong maaapektuhan ng mga proyekto.
"Some are located a little far from national roads and highways so they may not want to be disturbed. Many of them are privately maintained but I am sure, once DepEd issues the order, they will respond,†wika ni Umali.
Nakiusap na ang Palasyo sa publiko na habaan ang pasesnya dahil sa mga gagawing kalsada.
“We call on our people to share in the burden of sacrifice and bear with short term inconvenience so we can build better roads that will ensure faster travel and more productive living in our highly congested National Capital Region," banggit ni Presidential Communications Operations Office Sec. Sonny Coloma sa isang panayam sa radyo kahapon.
- Latest